01Mga katangiang pag-unlad ng mga sanggol/mga paslit
- Sa kasanggulan (0-2 taon), lumalaki at umuunlad nang pisikal nang napakabilis ang mga sanggol. Kailangang tingnan nang pana-panahon ng mga magulang kung lumalaki at umuunlad sila nang normal.
- Sa pagkabata (2 – 5/6 taon), kapansin-pansing nabubuo ng mga sanggol ang kanilang kakayahang mag-ehersisyo, at nagiging katangi-tangi ang kanilang pisikal na paggalaw at paggamit ng kanilang mga kamay. Sa loob ng panahong ito, malamang na magkaroon sila ng aksidenteng pangkaligtasan at makakuha ng mga nakahahawang sakit kaya kailangang bigyan sila ng mga magulang ng pambihirang atensyon at protektahan sila nang maigi.
Mga katangian ng paglaki at pag-unlad sa kasanggulan/pagkabata
영유아기 성장과 발달 특성 : 주요특성, 설명 및 건강증진을 위한 고려 점을 포함한 표입니다. | Mahahalagang tampok | Paliwanag | Mga bagay na dapat isaalang-alang para sa pagtataguyod ng kalusugan |
| Pagbuo ng utak | Nakukumpleto ang humigit-kumulang 90 porsiyento ng pagbuo ng utak sa panahon ng kasanggulan/pagkabata. Kailangang tingnan kung umuusad nang normal ang pagbuo ng utak ng sanggol sa pamamagitan ng pagsukat ng laki ng ulo nang pana-panahon dahil sinasalamin nito ang antas ng pagbuo ng utak. | - Checkup sa kalusugan ng mga sanggol/mga paslit
- Pagtingin ng pagbuo ng utak, paningin, at pandinig
|
| Unang ngipin | Nagsisimulang magkaroon ang mga sanggol ng unang ngipin mga anim na buwan pagkasilang. Dapat panatilihing maigi ang unang ngipin dahil sinisiguro nila ang mga lokasyon para sa permanenteng ngipin. | - Pamamahala ng kalusugan ng ngipin
|
| Pagbuo ng sistemang kaligtasan | Sa kasanggulan/pagkabata, hindi gumagana nang tumpak ang sistemang kaligtasan ng mga sanggol. Samakatuwid, importante ang mga bakunang pampigil at madalas na paghuhugas ng kamay. | - Mga bakunang pampigil
- Madalas na paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang mga nakakahawang sakit
|
02Pamamahala ng kalusugan sa kasanggulan/pagkabata
(1)Checkup sa kalusugan ng mga sanggol/mga paslit
- Sa kasanggulan, lumalaki at umuunlad nang pisikal nang napakabilis ang mga sanggol. Kailangang tingnan nang pana-panahon ng mga magulang kung lumalaki at umuunlad sila nang normal. Kailangang makita at maitama ang mga problema nang maaga.
- Sa Korea, inaareglo ang paghahandog ng mga sumusunod na checkup sa kalusugan para sa mga sanggol/mga paslit (14 na buwan – 71 buwan) sa 11 okasyon sa kabuuan (kabilang ang tatlong okasyon ng inspeksyon sa ngipin): abnormalidad sa paglaki/pag-unlad, sobrang katabaan, mga aksidenteng pangkaligtasan, sudden infant death syndrome, abnormalidad sa pandinig/paningin, pagkabulok ng ngipin, atbp.
- Nilalayon ng checkup sa kalusugan ng mga sanggol/mga paslit, na inihahandog nang libre, ang patuloy na pamamahala ng pisikal na paglaki at pag-unlad ng mga sanggol at maghandog ng sapat na edukasyon/konsulta sa mga magulang.
- Matitingnan mo ang higit pang detalyadong impormasyon tulad ng mga bagay/dalas ng checkups sa pamamagitan ng pagbisita sa pook-sapot ng Pambansang Korporasyon ng Segurong Pangkalusugan (National Health Insurance Corporation o NHIC) (https://www.nhis.or.kr/nhis/healthin/wbhaca04800m01.do)
(2)Pagsusuri ng paningin
Pagsusuri ng paningin
- Ang paningin ay isang pandamdam na may mahalagang papel na ginagampanan sa pag-unawa ng mga sanggol sa kanilang kapaligiran at pagtanggap ng panlabas na impormasyon.
- Kung may makitang abnormalidad sa paningin sa panahong binubuo pa ang paningin, maibabalik ang normal na paningin sa tiyak na lawak sa pamamagitan ng paggamot at pamamahala.
- Dapat isagawa ang pagsusuri ng paningin kapag nagtatlong taon ang mga bata at saka nag-anim na taon upang tingnan ang abnormalidad ng paningin.
- Kapag nagtatlong taon, makakatanggap ang mga sanggol ng pagsusuri ng paningin gamit ang larawang talangguhit para sa paningin.
Mga katangian ng pag-unlad at paningin ng mga bata
- Karaniwang nabubuo ang paningin sa edad 7 hanggang 8. Ang karaniwang paningin ng isang 3 taong gulang na bata/6 na taong gulang na bata ay 0.5 at 1.0.
- Walang paraan ang mga sanggol/mga paslit na maipahayag ang nararamdaman nila tungkol sa mahinang paningin sa kanilang mga magulang. Samakatuwid, mahirap makita ang problema sa kanilang paningin sa maagang yugto.
- Upang makita ang problema sa kanilang paningin, kailangang isailalim ang mga sanggol/mga paslit sa mga pana-panahong pagsusuri ng paningin at obserbahan sila nang mabuti.
- Kapag nakakita ng reaksyong aksyong kaanib ng problema sa paningin ng isang sanggol/paslit, dapat siyang dalhin agad sa doktor.
Reaksyong aksyon ng mga sanggol/mga paslit na kaanib ng problema sa paningin
- Humihilig ang mga balintataw sa isang gilid (tinatawag na duling) (para sa batang anim na buwang gulang o pagkatapos noon)
- Labis na pagiging sensitibo sa ilaw
- Madalas na pagsulyap sa gilid, pag-ugoy ng mata, o pagtalbog
- Pagtingin nang nakasara nang bahagya ang mga mata o nakataas ang mga kilay
- Nakaupo malapit sa telebisyon
(3)Pagsusuri ng pandinig
Pagsusuri ng pandinig
- Hanggang edad 3, mahigit 80 porsiyento ng pandinig ng isang tao ang nakumpleto.
- Kapag bigong makaabot ang pampasiglang tunog sa mga sentro ng pandinig ng utak bago magtatlong taong gulang ang bata, hindi nabubuo ang sentro ng salita, na nauuwi sa diperensiya sa pagsasalita/wika ng bata, kaya dapat makatanggap ang bata ng espesyal na edukasyon.
- Dapat sumailalim sa pana-panahong pagsusuri ng pandinig iyong mga napapabilang sa grupong mataas ang panganib ng kapansanan sa pandinig (kabilang ang mga batang napaaga ang pagsilang at mga batang nagkameningitis o nasakal pagkasilang o nakatanggap ng matagalang gamutan gamit ang antibyotiko).
- Dapat magpatingin agad sa doktor ang sanggol/paslit na nagpapakita ng mga tandang kaanib ng kapansanan sa pandinig.
Reaksyong aksyon ng sanggol/paslit na nagpapakita ng kapansanan sa pandinig
청력장애가 있음을 암시하는 영유아의 행동반응 : 발달 단계 및 행동반응을 포함한 표입니다. | Yugto ng pag-unlad | Reaksyong aksyon |
| Sa kasanggulan | - Hindi tumutugon sa malakas na ingay; walang ipinapakitang pagbabago sa antas ng mga gawain
- Hindi tumutugon sa pagtawag sa pangalan niya
- Hindi nagpapakita ng pagtugon hanggang may gawing pisikal na pagdait
|
| Sa pagkabata | - Maaaring tumugon gamit ang pagmuwestra o ekspresyon ng mukha imbes na salita
- Nagpapakita ng pagkaantala sa pag-unlad, partikular sa pag-unlad ng wika, kumpara sa mga kasamahan
- Mas gustong maglaro nang mag-isa; umiiwas as pakikihalubilong panlipunan
- Pagpapakita ng higit na interes sa mga bagay imbes na mga tao
- Hindi tumutugon sa tunog ng doorbell o pagring ng telepono
|
(4)Pamamahala ng kalusugan ng ngipin
Dinudurog ng mga ngipin ang pagkain sa maliliit na piraso at tinutulungan ang laway na humalo sa pagkain upang mas maging madali ang paglulon. Maliban na lamang kung malusog ang iyong mga ngipin, hindi makukuha nang mabuti ng iyong katawan ang mga nutrisyong kinakailangan nito.
Unang ngipin at permanenteng ngipin
- Tumutukoy ang unang ngipin sa mga ngiping nabubuo ng iyong katawan sa pagitan ng 6 na buwan at 30 buwan pagkasilang. Umaabot ang kabuuang bilang nila sa 20 kapag nag30 buwan pagkasilang.
- Nagsisimulang mapalitan ang unang ngipin ng permanenteng ngipin kapag nag-anim na taon o humigit-kumulang.
- Mas malambot at mahuna ang unang ngipin kaysa permanenteng ngipin, kaya malamang na mabul0k sila kung hindi mapapamahalaan nang mabuti.
- Sinisiguro ng unang ngipin ang lokasyon ng permanenteng ngipin. Siguraduhing mapanatiling malusog ng iyong mga anak ang kanilang unang ngipin nang sa gayo’y magkaroon sila ng malusog na permanenteng ngipin.
- Kung mabulukan ang iyong anak ng unang ngipin, siguraduhing dalhin siya sa dentista.
Mga tanda ng pagtubo ng unang ngipin at kanilang pamamahala
Kapag ginagawa ng isang sanggol ang alinman sa mga sumusunod, na tanda ng pagtubo ng unang ngipin, masahihin ang gilagid o gumamit ng laruang pangingipin upang maibsan ang paghihirap:
- Paglalaway; madalas na pagsuso sa kanyang sariling mga daliri
- Madalas na pagkagat ng mga solidong bagay; mariing pagkagat sa suso ng nanay
- Madalas na pagliligalig; hindi makatulog; pagkakaroon ng sinat
Higit pang mga detalye!
- Pagmamasahe ng gilagid: Hugasan ang iyong mga kamay nang maigi at masahihin ang namamagang gilagid ng sanggol sa loob ng mga 2 minuto gamit ang yelo
- Paggamit ng laruang pangingipin: Ilabas sa pridyeder at ipakagat sa sanggol kapag nagliligalig
- Maaari kang gumamit ng kapirasong saging na nilagay sa pridyeder imbes na laruang pangingipin
- < Mga laruang pangingipin >
Pamamahala ng ngipin
- Matapos magpadede o magpakain ng pawalay na pagkain, siguraduhing punasan ang loob ng bibig ng sanggol gamit ang basang gasa bago ang pagtubo ng unang ngipin.
- Paglaki ng sanggol pagkalipas ng panahon, hugasan ang kanyang bibig ng tubig pagkakain.
- Pagkatubo ng unang ngipin, linisin sila ng sipilyo.
- Magsimulang gumamit ng toothpaste pang nag2 taong gulang ang sanggol. Ang paggamit ng fluoride toothpaste o fluoride sa panahon ng pagbuo ng ngipin ay mabuting paraan upang mapigilan ang pagkabulok ng ngipin.
(5)Bakunang pampigil
- Sa pamamagitan ng bakunang pampigil, mapapaigting mo ang resistensya o kaligtasan mo sa mga nakakahawang sakit.
- Sa kasanggulan/pagkabata, hindi pa gumagana nang tumpak ang sistemang kaligtasan ng sanggol. Samakatuwid, isang dapat ang mga bakunang pampigil para sa mga sanggol.
- Naghahandog ang Ahensiya ng Pagkontrol at Pagpigil ng Sakit ng Korea (Korea Disease Control and Prevention Agency o KDCA) sa mga sanggol/mga paslit ng mga libreng bakunang pampigil na itinalaga ng Istado sa isang sentro ng pampublikong kalusugan o itinalagang institusyong medikal na malapit sa iyo.
- Upang mapanatili ang kaligtasan, napakaimportanteng makatanggap ang mga sanggol/mga paslit ng bakunang pampigil ayon sa naunang inayos na talaorasan.
- Para sa mga detalye, bumisita sa nauukol na pook-sapot (nip.kdca.go.kr).
Mga puna tungkol sa mga bakunang pampigil
예방접종 주의사항 : 주의사항 및 근거를 포함한 표입니다. | Mga puna | Mga nauukol na katotohanan |
| Dapat dalhin ang sanggol ng isang matandang pamilyar sa istado ng kanyang kalusugan sa institusyon para sa bakuna. | Dahil inaasahan ang matandang makita agad ang maliliit na pagbabagong maaaring mangyari sa sanggol pagkatapos ng bakunang pampigil. |
| Siguraduhing walang lagnat ang sanggol sa pamamagitan ng pagkuha ng temperatura ng katawan bago magpunta sa institusyon para sa bakuna. | Dahil walang paraan para matukoy iyon mula sa lagnat na kaanib ng bakunang pampigil. |
| Paliguan ang sanggol isang araw bago ang pagbisita sa institusyon para sa bakuna. | Hindi dapat paliguan ang sanggol sa araw ng bakuna. |
| Tanggapin ang bakunang pampigil bago magtanghali kung maaari. | Upang muling makabisita sa institusyon sa hapon kung may makitang anumang problemang kaanib ng bakuna. |
| Huwag magsama ng isa pang sanggol (hal. kapatid ng nasabing sanggol) sa institusyon. | Maaaring makaapekto ang ilang uri ng mga bakuna sa ibang bata. |
| Huwag pabigyan ang iyong anak ng karagdagang bakuna kung nagpakita siya ng anumang pangalawang epekto o allergy mula/sa naunang bakunang pampigil. | Sa kasong ito, pinaghihinalaang makakapagdulot ang karagdagang bakuna ng mas malubhang pangalawang epekto. |
| Huwag pabakunahan kontra tigdas, beke, at rubella (German measles) (MMR) ang isang batang allergic sa neomycin o itlog. | Pareho ang nilalaman ng bakunang MMR sa neomycin o itlog at malamang na magdulot ng allergy. |
| Manatili sa loob ng 20-30 minuto sa lugar ng bakuna at obserbahan ang kondisyon ng sanggol. | Ito ay pag-iingat sa posibleng apurahang pangalawang epekto. |
| Obserbahang maigi ang sanggol sa loob ng mahigit 3 oras pagkauwi. | Upang tingnan kung may anumang pangalawang epekto mula sa bakuna. |
| Obserbahang maigi ang sanggol sa loob ng 3 araw matapos ang bakuna. Dapat ipatingin agad ang sanggol sa doktor kung magkaroon ng mataas na lagnat o anumang tanda ng pagkaparalisa. | Ito ay pag-iingat sa pangalawang epekto ng bakuna. |
(6)Pagpigil ng impeksyon at paghuhugas ng kamay
- Karamihan sa mga nakakahawang sakit ay mas malamang na maikalat ng mga taong hinahawakan ang kanilang mga mata, ilong, o bibig gamit ang kamay na kontaminado ng kagaw kaysa direktang pagpasok ng mga kagaw sa ilong o bibig. Mapipigilan natin ang 70 porsiyento ng mga nakakahawang sakit sa pamamagitan lamang ng pagbabawas ng bilang ng kagaw sa mga kamay ng mga tao.
- Kung hindi ka maghuhugas ng kamay, mabilis na dadami ang kagaw na nandoon paglaon. Ang paghuhugas ng kamay ang pinakamagaling na paraan upang bawasan ang panganib ng pagkalat ng kagaw at labanan ang mga nakakahawang sakit.
- Siguraduhing maghugas ng kamay gamit ang dumadaloy na tubig sa loob ng mahigit 30 segundo pagkagamit ng palikuran, pagkauwi mula sa labas, pagkagamit ng kamay para takpan ang bibig kapag hahatsing, pagkahawak sa alagang hayop, pagkahawak ng pera, or bago kumain/magluto.
- Hugasang maigi ang mga kamay.
6 na yugto ng paghuhugas ng kamay nang tama
- 1Palad : Kuskusin ang mga kamay nang palad sa palad.
- 2Likod ng kamay : Pagkuskos ng kapwa likod ng isang kamay at palad ng kabilang kamay
- 3Mga bahagi sa pagitan ng mga daliri : Kuskusin ang pagitan ng iyong mga daliri sa pamamagitan ng pagpulupot ng iyong mga daliri at pagkuskos nang pabalik-balik.
- 4Pagkuskusin ang parehong kamay : Ipaghawak ang mga daliri ng parehong kamay at kuskusin ang mga ito.
- 5Hinlalaki : Ikuskos ang iyong hinlalaki sa palad ng kabilang kamay. Ulitin para sa parehong kamay.
- 6Ilalim ng mga kuko : Ilagay ang mga daliri ng isang kamay sa palad ng kabilang kamay at linisin ang ilalim ng mga kuko.
- 1.Palad
- 2.Likod ng kamay
- 3.Mga bahagi sa pagitan ng mga daliri
- 4.Pagkuskusin ang parehong kamay
- 5.Hinlalaki
- 6.Ilalim ng mga kuko
03Pamamahala ng mahahalagang isyung pangkalusugan sa kasanggulan/pagkabata
(1)Lagnat
Mga tampok
- Tumutukoy ang lagnat sa pagtaas ng temperatura ng katawan nang higit sa normal, at ito ay tanda ng diperensiya sa katawan. (normal na temperatura ng katawan sa tumbong: 38℃/normal na temperatura sa bibig: 37.5℃ / temperatura sa kili-kili: 37.2℃)
- Sa kaso ng pagpasok ng kagaw, itinataas ng katawan mo ang temperatura nito upang lumikha ng masamang kondisyon para sa pagdami ng kagaw. Kapag may lagnat ang sanggol na mas mababa sa 38° centigrade, mabuting obserbahan muna siya kung kakayanin niya ito imbes na subukang pababain ito.
- Kung nakararanas ang sanggol ng paghihirap o nagpapakita ng mga tanda ng labis na kawalan ng tubig dahil sa lagnat, siguraduhing pababain ang lagnat.
- Febrile seizure: Ito ay ang pagkukumbulsyon ng isang bata dahil sa biglaang lagnat. Sa karamihan sa mga kaso, bumabalik sa normal ang sanggol nang walang anumang problema, nguni’t dapat mag-ingat dahil maaaring makaapekto ang madalas na febrile seizure sa utak ng bata.
Sanhi
Kabilang sa mga karaniwang sanhi ng lagnat sa sanggol ang enteritis, urinary tract infection, pamamaga ng gitnang tenga, sipon, atbp.
Mga sintomas
- Nagliligalig at ayaw kumain ng sanggol
- Pagbaba ng temperatura ng katawan bago ang pagtaas na susundan ng pagpapawis
- Kawalan ng tubig
Mga sintomas na kaanib ng kawalan ng tubig sa mga sanggol
- 1Malamig na mga kamay at paa
- 2Maputla at batik-batik na balat
- 3Hindi umiihi sa loob ng 6 - 8 oras
- 4Hirap sa paghinga; nauubusan ng hininga
- 5Nilalagnat
- 6Lubog ang fonticulus anterior
- 7Lubog na mga mata at walang luha kapag umiiyak
- 8Tuyong bibig
- 9Pagbabawas ng pagkabanat ng balat
Pag-aalaga sa sanggol
- Kunin ang temperatura ng sanggol.
- Pababain ang lagnat kung tataas sa mahigit 38℃ ang temperatura ng katawan at nakararanas ang sanggol ng paghihirap
- Magpahangin upang mapanatiling malamig ang loob ng kuwarto at bihisan ang sanggol ng maninipis na damit.
- Bigyan ang sanggol ng pampababa ng lagnat (hal. Tylenol, Brufen, atbp.).
- Bahagyang punasan ang balat ng sanggol ng tuwalya o gasang binasa ng maligamgam na tubig.
- Painumin ang sanggol ng sapat na tubig at padedehin siya.
- Kung hindi humuhupa ang lagnat ng sanggol, magpatingin sa doktor.
해열제 사용시 및 병원방문 : 해열제 사용 시 주의 점 및 병원방문이 필요한 경우를 포함한 표입니다. | Mga pag-iingat kapag gumagamit ng pampababa ng lagnat | Siguraduhing magpatingin sa doktor sa isa sa mga sumusunod na kaso: |
- Huwag pagsabayin ang pampababa ng lagnat na iniinom at supositoryo.
- Gumamit ng pampababa ng lagnat (hal. Tylenol, Brufen) ayon sa tagubilin ng doktor.
- Huwag abusuhin ang pampababa ng lagnat. Maaaring humantong ito sa pagkalason.
- Kung naghahanda ng pampababa ng lagnat bilang gamot pangsambahayan, ilagay ito sa mga maliliit na pakete.
- Huwag kailanman gumamit ng aspirin para sa isang sanggol.
| - Lagnat ng sanggol na mas bata sa anim na buwan
- Lagnat na mas mataas sa 39℃ ng sanggol na 3 buwan hanggang 3 taong gulang
- Lagnat ng sanggol na tumatagal ng mahigit isang araw
- Pagsusuka o grabeng pagtatae ng sanggol
- Hindi umiihi, lubog ang mga mata, tuyot ang balat
- Hindi magising ang natutulog na sanggol
- Kombulsyon o pamamantal
- Ayaw kumain ng sanggol
|
(2)Pamamaga ng gitnang tenga
Mga tampok
- Ang pamamaga ng gitnang tenga ay isang sakit na pinakakaraniwang nararanasan ng sanggol na anim na buwan hanggang dalawang taong gulang sumunod sa sipon.
- Para sa sanggol na mas bata sa 3 taong gulang, mas maikli ang kanyang Eustachian tube (ang daanan sa pagitan ng nasopharynx at gitnang tenga) kaysa sa mas matatanda at malapad at pahalang. Samakatuwid, madaling kakalat sa gitnang tenga ang mga kagaw sa nasopharynx.
- Kung lalala ang sintomas, tataas ang puwersa sa gitnang tenga, na maaaring humantong sa myringorupture.
- Hindi maipahayag ng mga sanggol ang kanilang problema sa loob ng tenga. Samakatuwid, kung hindi oobserbahang mabuti ng mga magulang, hindi agad makikita ang problema sa tenga, na hahantong sa talamak na pamamaga ng gitnang tenga o paghihirap sa pandinig.
- Upang pigilan ang pamamaga ng gitnang tenga at ang talamak na pamamaga ng gitnang tenga, dapat sikapin ng mga magulang na makita nang maaga ang mga sintomas at ipatingin ang sanggol sa doktor.
Higit pang mga detalye!
Mas maikli at mas malapad ang Eustachian tube ng isang sanggol na mas bata sa 3 taong gulang kaysa sa matanda. Konektado rin ito nang pahalang sa nasopharynx. Ang viral infection sa ilong ay maaaring maging sanhi ng paglipat ng bakterya mula doon patungo sa gitnang tenga, na hahantong sa pamamaga ng gitnang tenga.
- < Pagkakaiba sa pagitan ng isang sanggol (kaliwa) na mas bata sa 3 taong gulang at mga matatanda (kanan) hinggil sa posisyon/anggulo ng Eustachian tube >
Mga sanhi
- Kapag pinadede ang sanggol nang nakahiga, malamang na makapasok ang gatas sa gitnang tenga sa pamamagitan ng Eustachian tube at humantong sa pamamaga.
- Kung hahayaan mo ang sanggol na suminga nang malakas, malamang na makapasok sa tenga ang mga kagaw na nasa sininga sa pamamagitan ng Eustachian tube at humantong sa pamamaga ng gitnang tenga.
- Kung naninigarilyo ang magulang, malamang na mahantad ang sanggol sa usok, na magpapahina sa kanyang sistemang panghinga at magdudulot ng pamamaga ng gitnang tenga.
- Mababa ang resistensya ng mga sanggol sa kagaw. Samakatuwid, malamang na magkasipon sila o mamaga ang gitnang tenga sa lugar na matao.
Sintomas
- Nagkakaroon ang sanggol ng mataas na lagnat (mahigit 40°) at sakit sa tenga. Iiling-iling siya at magliligalig sa pamamagitan ng paghila sa kanyang mga tenga.
- Lalala ang sakit sa tenga kapag pinuwersa ang mga tenga. Iyan ang dahilan bakit mas nagliligalig ang mga sanggol na sumasakit ang tenga kapag inilapag at nababawasan ang pagliligalig kapag kinandong ni Nanay.
- Ayaw kumain; nagsusuka; nagtatae
- Nagrereklamo tungkol sa pakiramdam ng paglaki sa mga tenga; nilalakasan ang telebisyon dahil hindi makarinig nang mabuti.
- Kapag sumasakit ang eardrum dahil sa pamamaga ng gitnang tenga, may lumalabas na nana o sugat mula sa tenga.
- < Reaksyong aksyon ng mga sanggol/mga paslit kapag namamaga ang gitnang tenga >
Paggamot at pangangalaga
- Dapat dalhin agad sa doktor ang sanggol na nagpapakita ng mga tanda ng pamamaga ng gitnang tenga.
- Upang pigilang maulit ang pamamaga ng gitnang tenga, dapat ipagpatuloy ang paggamot gamit ang antibyotiko ayon sa tagubilin ng doktor.
- Dapat bigyan ng mga inumin o matubig o malambot na pagkain nang madalas at pakonti-konti ang sanggol na ayaw kumain dahil sa sakit sa tenga.
- Makakatulong ang paglalagay ng tuwalyang binasa ng mainit na tubig sa apektadong tenga na nakadapa ang gilid sa sanggol na maibsan ang kirot.
- Kung may lumalabas na nana o sugat mula sa tenga, punasang maigi ang mga bahagi ng katawang malapit sa apektadong tenga ng physiological saline at maglagay ng ointment ayon sa tagubilin ng doktor.
- Kung malala ang pamamaga ng gitnang tenga, maaaring magpasok ang doktor ng drain tube sa eardrum. Ingatang huwag makapasok ang tubig sa tenga sa gayong kaso.
Paano pigilan ang pamamaga ng gitnang tenga
중이염 예방법 : 예방법 및 설명을 포함한 표입니다. | Mga dapat at hindi dapat | Paliwanag |
| Huwag manigarilyo malapit sa sanggol. | - Pinapahina ng usok mula sa tabako ang tungkulin ng sistemang panghinga ng sanggol at pinapasigla ang kanyang Eustachian tube; nakakapagdulot din ito ng pamamaga ng gitnang tenga.
|
| Padedehin ang sanggol. | - Pinuprotektahan ng mga antibodies na kasama sa gatas ng ina ang sanggol mula sa mga impeksyon kabilang ang pamamaga ng gitnang tenga.
- Pinapayo ang pagpapadede sa sanggol hanggang mag12 buwan upang protektahan siya sa mga impeksyon.
|
| Kandungin ang sanggol kapag nagpapadede. | - Sa ganitong paraan, mapipigilan mo ang gatas na dumaloy sa gitnang tenga sa pamamagitan ng Eustachian tube.
|
| Huwag hayaan ang sanggol na suminga nang malakas. | - Upang mapigilan ang mga kagaw sa sininga na dumaloy sa gitnang tenga sa pamamagitan ng Eustachian tube.
|