Guidebook for Living in Korea

Pagpapabuti ng kalusugan ng mga bata at kabataan

  • Home
  • Health plus
  • Pagpapabuti ng kalusugan ng mga bata at kabataan

Pagpapabuti ng kalusugan ng mga bata at kabataan

01Mga katangian sa paglaki sa kamusmusan/pagdadalaga o pagbibinata

  • Sa pangkalahatan, tumutukoy ang kamusmusan sa mga edad 6 hanggang 12. Ito ang panahon kung kailan nagsisimulang pumasok sa mababang paaralan ang bata at naglalaan ng maraming oras sa mga taong labas sa kanyang pamilya at labas ng hangganan ng tahanan. Sa panahong ito, nakikilala ng bata ang kanyang papel, lumilingap sa iba, at natututuhan ang tungkol sa panlipunang pakikipagtulungan pati na rin ang pakiramdam ng komunidad sa pamamagitan ng mga gawa o larong grupo. Nagkakaroon ng tiyak na epekto ang buhay-paaralan at ugnayan ng bata sa mga kasamahan niya sa kanyang paglaki at pag-unlad ng kanyang personalidad.
  • Tumutukoy ang pagdadalaga o pagbibinata sa mga edad mula 12-13 hanggang 19-20 kapag lumalabas na ang mga pangalawang katangiang sekswal. Sa unang bahagi ng panahong ito, nakararanas ang mga kabataan ng mabilis na paglaking pisikal at nagkakaroon ng kakayahang pampag-anak. Nagpapakita sila ng kiling sa egocentrism at idealism, nakakaramdam ng paghihimagsik laban sa mga pinahahalagahan at pinaniniwalaan ng mga matatanda, at nagsasagawa ng iba’t ibang eksperimento hinggil sa kanilang mga papel sa hinaharap. Samakatuwid, madali silang maharap sa mga sitwasyong maaaring makasama sa kanilang kalusugan. Kaya naman, importanteng bigyan sila ng gabay na pampigil.
Mga katangian ng paglaki at pag-unlad sa kamusmusan/pagdadalaga o pagbibinata
아동∙청소년기 성장과 발달 특성 : 주요특성, 설명 및 건강증진을 위한 고려 점을 포함한 표입니다.
Mahahalagang tampok Paliwanag Mga puntos na kailangang isaalang-alang para sa pagtataguyod ng kalusugan
Pagbuo ng mga kalamnan at kalansay; mabilis na paglaking pisikal
  • Kasalukuyang nangyayari ang pagbuo ng kalansay sa panahon ng kamusmusan. Samakatuwid, importanteng magkaroon sila ng wastong pisikal na tindig upang mapigilan ang pagbaluktot ng kalansay.
  • Maaari silang himukin ng kanilang mga kasamahang sumali sa kanila sa paninigarilyo o pagdodroga.
  • Pagpapanatili ng wastong pisikal na tindig
  • Pagsabihan silang huwag sumali sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, at pagdodroga
Permanenteng ngipin
  • Pinapalitan ang 20 unang ngipin ng permanenteng ngipin sa edad 12 - 13.
  • Mas importante na ngayong panatilihin ang kalusugang pambibig sa kamusmusan at pagdadalaga o pagbibinata upang makaasa sa mabuting buhay kalaunan lalo pa’t napahaba na ang inaasahang itatagal ng buhay kamakailan.
  • Pamamahala ng ngipin (pagsisipilyo, paggamit ng dental floss, pagpigil sa pagkabulok ng ngipin, pagpigil sa pagkasungki)
Paglabas ng mga pangalawang katangiang sekswal; paggulang na sekwal
  • Nakararanas ang mga kabataan ng pagkabalisa at kahihiyan sa paglabas ng mga pangalawang katangiang sekswal. Kailangang maghandog ng edukasyong sekswal tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng mga ari ng lalaki at babae pati na rin paano pamahalaan ang kanilang ari bago ang paglitaw ng mga pangalawang katangiang sekswal.
  • Nagkakaroon sila ng kakayahang pampag-anak. Kailangan silang tulungan sa sariling pamamahala ng kalusugan sa pamamagitan ng edukasyon at gabay.
  • Pagkakaiba sa pagitan ng mga ari ng lalaki at babae
  • Gabay sa malusog na mga gawang sekswal
  • Sariling pamamahala (sariling pagsusuri ng mga suso/mga itlog; bakuna kontra Human Papilloma Virus (HPV)
Pagbuo ng pakiramdam ng komunidad sa mga kasamahan
  • Sa panahong ito, nauunawaan nila ang kanilang mga limitasyon at nagkakaroon ng pakiramdam ng komunidad sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa mga kasamahan nila.
  • Nararamdaman nilang importanteng makilala/matanggap ng mga kasamahan. Samakatuwid, malamang na makisali sila sa kanilang mga ginagawa kabilang ang mga gawang mailap o iyong mga lumalabas na magiting na gawa.
  • Pagkalipumpunan

02Pagtataguyod ng kalusugan sa kamusmusan/pagdadalaga o pagbibinata

(1)Pagpapanatili ng tamang pisikal na tindig

  • Nasa yugto pa rin ng pagbuo ng kalansay ang mga batang pumapasok sa paaralan. Kung mali ang kanilang tindig sa loob ng mahabang panahon, maaari itong humantong sa pagbaluktot ng kalansay. Importanteng makaugalian nila ang pagpapanatili ng wastong tindig upang tulungan silang lumaking malusog.
  • Dahil palagi silang nakaupo sa mesa, importanteng gumamit sila ng mesa/upuang sakto sa kanilang tangkad at tulungan silang makagawiang umupo nang may wastong tindig.
  • 이미지텍스트
    < Pagkakaroon ng wastong tindig kapag nakaupo sa mesa para sa kalusugan >
  1. 1Baba) Bahagyang ibaba ang iyong baba.
  2. 2Mga tuhod) Dapat bumuo ng panulukang tumpak ang mga binti sa tuhod, at kahilera ng mga hita ang sahig.
  3. 3Talampakan) Ilapat ang iyong mga talampakan sa sahig.
  4. 4Baywang) Panatilihing malapit ang baywang sa likod ng upuan at siguraduhing hindi nakabaluktot ang iyong katawan
  5. 5Balakang) Umupo sa dulo ng upuan.
Scoliosis
  • 이미지텍스트
    < Paghahambing sa pagitan ng isang taong may normal na gulugod (kaliwa) at isang may scoliosis (kanan) >
  • Tumutukoy ang scoliosis sa kondisyong nilalarawan ng patagilid na kurbada ng gulugod tulad ng titik “C” o “S.”
  • Kamakailan lamang, nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga kabataang may kondisyong ito dahil sa madalas nilang paggamit ng matalinong telepono o maling tindig kapag nakaupo.
  • Kung maagang matuklasan, maitatama/magagamot ang scoliosis sa loob ng maikling panahon. Pinapayuhan kang tingnan manaka-manaka kung mayroong ganitong kondisyon ang iyong mga anak nang sa gayo’y makapagpatingin sila sa doktor at maitama nang maaga ang kanilang kondisyon.
Mga tanda at sintomas ng scoliosis
  • 이미지텍스트
  • 이미지텍스트
  • ① Hindi pantay na mga balikat, ② Nakausling paypay, ③ Kurba sa gulugod, ④ Hindi pantay na mga balakang
  • Hindi pantay na mga balikat, kurba sa gulugod, hindi pantay na balakang
  • Nakaikot na ribcage; nakausling mga tadyang at paypay
  • Mukhang hindi pantay ang baywang ng pantalon o palda; mas mabilis mapudpod ang swelas ng sapatos sa labas ng paa
  • Mas malaki ang distansya sa pagitan ng braso at katawan sa isang gilid kaysa sa kabila.

(2)Pamamahala ng ngipin

Importanteng pamahalaan mo ang iyong mga ngipin sa kamusmusan/pagdadalaga o pagbibinata kapag napalitan ang unang ngipin ng permanenteng ngipin, dahil nakadepende ang kalidad ng iyong buhay kalaunan sa istado ng iyong mga ngipin.

Paano magsipilyo ng ngipin at gumamit ng floss nang tama
  • Ang pagsisipilyo ang unang bagay na dapat mong gawin upang mapigilan ang pagkabulok ng ngipin. Inirerekomenda namin ang pagsisipilyo ng ngipin ng tatlong beses man lamang isang araw, tatlong minuto pagkakain, at pagsisipilyo ng ngipin sa loob ng tatlong minuto man lamang. Partikular na importanteng sipilyuhin ang iyong ngipin bago matulog. Palitan ang iyong sipilyo ng bago kada dalawa/tatlong buwan.
  • Kailangan mong sipilyuhin ang lahat ng bahagi ng bawat ngipin nang maigi. Dapat mo ring sipilyuhin ang iyong dila kapag nagsisipilyo ng ngipin.
  • Gumamit ng dental floss pagkasipilyo ng ngipin. Hindi maaasahan ang mga batang gumamit ng dental floss nang tama nang mag-isa hanggang magwalo o magsiyam na taong gulang. Dapat tulungan sila ng mga magulang na gamitin ito tuwing magsisipilyo sila ng ngipin.
Tamang pagsisipilyo
  • 이미지텍스트
    1.Hawakan mo ang sipilyo mo nang ganito.
  • 이미지텍스트
    2.Pisilin nang bahagya hanggang lumabas ang toothpaste sa sipilyo
  • 이미지텍스트
    3.Para sa mga labas na bahagi ng unahang ngipin: Ipuwesto mo ang sipilyo mo sa bahaging nasa pagitan ng mga ngipin at mga gilagid at saka igalaw pababa nang paikot nang marahan.
  • 이미지텍스트
    4.Para sa ibabang ngipin sa unahan: Ipuwesto mo ang sipilyo mo sa bahaging nasa pagitan ng mga ngipin at mga gilagid at saka igalaw nang pataas.
  • 이미지텍스트
    5.Para sa mga loob na bahagi ng unahang ngipin: Ipuwesto mo ang sipilyo mo nang patayo at igalaw mula sa loob palabas.
  • 이미지텍스트
    6.Para sa mga labas na bahagi ng mga bagang: Ipuwesto mo ang sipilyo mo sa bahaging nasa pagitan ng mga ngipin at mga gilagid at saka igalaw papunta sa itaas na bahagi nang paikot nang marahan.
  • 이미지텍스트
    7. Para sa itaas na bahagi ng mga bagang: Sipilyuhin ang likod at harap nang sampung beses.
  • 이미지텍스트
    8.Para sa loob na bahagi ng bagang: Ipuwesto mo ang sipilyo mo sa bahaging nasa pagitan ng mga ngipin at mga gilagid at saka igalaw papunta sa itaas na bahagi nang paikot nang marahan.
  • 이미지텍스트
    9.Para sa dila: Ipuwesto mo ang sipilyo mo sa malalim na gilid ng dila at igalaw gaya ng ipinapakita sa larawan.
Pagpigil ng pagkabulok ng ngipin

Dapat lunasan ang pagkabulok ng ngipin, na kilala rin bilang dental caries, nang maagap at alagaan nang tuloy-tuloy upang mapigilan ang pagkaagnas ng ngipin.

  • 이미지텍스트
    Sipilyuhin ang iyong ngipin sa tamang paraan.
  • 이미지텍스트
    Siguraduhing magpatingin sa dentista kapag may problema sa ngipin.
  • 이미지텍스트
    Iwasan ang matatamis na pagkain at carbonated drinks. Kumain ng sapat na gulay, mga produktong gatas, at mga prutas.
  • 이미지텍스트
    Makakatulong ang paggamit ng fluoride toothpaste na mapigilan ang pagkabulok ng ngipin.
  • 이미지텍스트
    Pinapahintulutan ng pana-panahong pagbisita sa dentista ang pagtuklas sa pagkabulok ng ngipin nang maaga at pinapaigting ang epekto ng paggamot ng ngipin.

(3)Pamamahala ng kalusugang sekswal

  • Paglabas ng mga pangalawang katangiang sekswal sa mga kabataan, nagiging mas interesado sila sa pagtatalik. Sa unang bahagi ng pagdadalaga o pagbibinata, nagkakaroon sila ng mga pantasyang sekswal at sinasamantala ang pagkakataong makipagtipan o magkaroon ng ugnayang sekswal, nagkakaroon sila ng kaugnayang sekswal sa mga hindi kabaro batay sa kanilang mga pinahahalagahan, pinaniniwalaan, o mga tradisyon.
  • Madalas silang magsagawa ng mga padaskul-daskol na gawang sekswal sa paniniwalang hindi sila malulupig, na bahagi ng mga katangiang sikolohikal na pag-unlad ng nasabing panahon, o dahil sa pamimilit ng mga kasamahan o bilang pagsisikap na ipakita ang kanilang “paggulang.”
  • Malamang na maharap ang mga kabataang nagsasagawa ng mga gawang sekswal sa iba’t ibang salik ng panganib na maaaring maging banta sa kalusugang sekswal tulad ng pagbubuntis, mga sakit na nalilipat sa pamamagitan ng pagtatalik, atbp. dahil sa kahinaan ng kanilang mga ari.
  • Kailangan nating tulungan ang mga kabataang ipagpaliban ang kanilang mga gawang sekswal hanggang magkaroon sila ng ganap na kahandaang pisikal, kognitibo, at emosyonal para sa isang magulang na ugnayang sekswal at makini-kinita nila ang mga resulta ng mga gayong gawa.
Mga ari ng lalaki at babae
  • Kung pag-uusapan ang istraktura, mas mahina ang ari ng babae sa panlabas na impeksyon kumpara sa ari ng lalaki. Hindi makita ng mga babae ang karamihan sa mga bahagi ng kanilang ari dahil nasa loob ng kanilang katawan ang mga ito. Kapag may problema sa ari ng babae, hindi agad lumalabas ang sintomas. Sa maraming pagkakataon, nasa masulong na yugto na ang sakit kapag lumabas ang sintomas. Kaya naman, kailangang panatilihin ng mga kababaihan ang kanilang kalusugang sekswal sa pamamagitan ng mas positibong sariling pamamahala at pana-panahong checkups sa kalusugan.
Pagkakaiba sa pagitan ng mga ari ng lalaki at babae
  • 이미지텍스트
    • ① fallopian tubes, ② puno ng matris, ③ litid, ④ endometrium, ⑤ mga kalamnan ng matris, ⑥ cervix, ⑦ obaryo, ⑧ matris , ⑨ ari
    Ari ng babae
    • Hindi makita ng mga babae ang kanilang matris dahil nasa loob ito ng kanilang katawan.
    • Bukas ang fallopian tubes sa lukab ng tiyan. Mas maikli ang kanilang urethra kaysa sa lalaki at nakahiwalay sa kanilang ari, na isang tubong pangkalamnang bumabagtas mula sa panlabas na ari tungo sa cervix, at mahina sa pagpasok ng mga mikrobyong mula sa labas.
  • 이미지텍스트
    • ① seminal vesicle, ② epididymis, ③ urethra, ④ ureter, ⑤ pantog, ⑥ prostate , ⑦ vas deferens , ⑧ mga itlog, ⑨ glans
    Ari ng lalaki
    • Binubuo ang ari ng lalaki ng saradong tubong bumabagtas mula sa mga itlog tungo sa urethra.
    • Mas mahaba ang urethra ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Nagsisilbi rin ang urethra ng mga lalaki bilang daanan ng semilya, at hindi ito gaanong mahina sa pagpasok ng mga mikrobyong mula sa labas kumpara sa mga babae.
Pamamahala sa kalusugan ng ari ng babae
  • Magsuot ng panloob na gawa sa nakakahingang koton.
  • Huwag magsuot ng masikip na panloob.
  • Huwag pigilan ang iyong ihi.
  • Magpunas mula harap hanggang likod kapag gumagamit ng palikuran upang hindi makontamina ang iyong ari.
  • Kapag naghuhugas ng ari, gumamit ng neutral soap upang mapanatili ang acidity. Maghugas ng tatlo/apat na beses kada linggo gamit ang shower head mula harap hanggang likod.
  • Kapag nagpapalit ng sanitary pad o tampon, siguraduhing maghugas muna ng kamay.
Gabay sa pagpili ng mga gawang sekswal
  • Sa pagdadalaga o pagbibinata, malamang na makaranas ka ng mga paghihirap na makini-kinita ang iyong kinabukasan at umangkop sa iyong kasalukuyang kalagayan. Nawa’y matulungan ka ng gabay na ito na pumili ng tama pagdating sa mga gawang sekswal.
Gabay para sa mga nagdadalaga o nagbibinata sa pagpili ng kanilang mga gawing sekswal
  • 이미지텍스트
Sariling pamamahala para sa pagpapabuti ng kalusugang sekswal
  1. 1Sariling pagsusuri ng iyong pudenda
    • Dapat gawin ng mga kababaihang may karanasan sa ugnayang sekswal o aktibo sa pakikipagtalik ang sariling pagsusuri kada buwan.
    • Madaling makukumpirma ang diperensya sa pudenda sa pamamagitan ng inspeksyong biswal o manwal na pagkapa. Makakatulong ang pana-panahong sariling pagsusuri ng pudenda sa iyong matuklasan ang anumang problema sa iyong ari nang maaga at malayo ang mararating nito sa pagpigil ng pagkalat ng mga sakit na nalilipat sa pamamagitan ng pagtatalik.
    Mga paraan ng sariling pagsusuri ng pudenda
    • Mga bagay na kailangan mong ihanda: salaming may hawakan
    • Paano gagawin ito: Humanap ng maliwanag at tahimik na lugar, pumuwesto nang sa gayo’y matingnan mo ang iyong pudenda sa pamamagitan ng salamin, at gawin ang mga sumusunod na hakbang:
      • Hawakan ang salamin gamit ang isang kamay at tingnan ang iyong pudenda gamit ito. Gamitin ang mga daliri ng kabilang kamay upang ibuka ang pudenda at tingnang maigi.
      • Tingnan ang pubis, clitoris, urethral meatus, labia major, labia minora, at perineal region kung may anumang kakaiba.
      • Kapain amg pudenda gamit ang dulo ng mga daliri upang tingnan kung may ulcer, bukol, o kulugong nabuo at kung may pagbabago sa kulay.
  2. 2Sariling pagsusuri ng mga itlog
    • Gamitin ang paraang ito upang matuklasan nang maaga at gamutin ang kanser sa itlog. Gawin ang paraang ito isang beses sa isang buwan, nang gumugugol ng mga 3 minuto para sa maingat na manwal na pagkapa.
    • Maaaring magkaroon ng kanser sa itlog ang kahit anong grupo ng edad, nguni’t kamakailan lamang ay nagkaroon ng ulat tungkol sa pagtaas ng bilang ng mga edad 15~35 na nagkakaroon nito. Kung matuklasan mo ito nang maaga, maganda ang tsansang magamot.
    Paano magsagawa ng sariling pagsusuri ng mga itlog
    • Mga gamit na kailangan mong ihanda: salamin
    • Gawin ang mga sumusunod:
      • Kapag ganap nang nakapahinga ang mga itlog at scrotum pagkatapos maligo o magshower, simulan ang pamamaraan gamit ang mga daliri.
      • Tumayo sa harap ng salamin at tingnan kung may edema ang balat ng scrotum.
      • Ipatong ang mga daliri (hinlalaki, hintuturo, at hinlalato) sa itaas/ibaba ng mga itlog. Kung wala kang nararamdamang kirot sa mga itlog, normal ang mga ito. Normal din ang bahagyang kaibahan sa sukat ng mga itlog.
      • Ipatong ang mga daliri sa epididymis sa likod ng mga itlog. Kung normal ito, para itong malambot na bukol. Kung may kakaiba dito, magpatingin sa doktor.
  3. 3Sariling pagsusuri ng suso
    • Ang kanser sa suso ay isang malignant tumor na nabubuo sa mga suso. Ito ang nangunguna sa mga kanser ng mga Koreanong kababaihan. Kamakailan lamang, nagkaroon ng matinding pagtaas ng bilang ng mga kaso ng kanser sa suso sa mga Koreanong kababaihan dahil umano sa mga pagbabago sa pamumuhay at mga kaugalian sa pagkain.
    • Itinuturing na higit na mahalaga ang sariling pagsusuri ng suso kapag isinaalang-alang ang katotohanang pabata nang pabata ang mga kababaihang nagkakakanser sa suso.
    • Kung nasa mga suso lamang ang cancerous growth, madaling tanggalin at gamutin ang kanser sa suso, at mataas ang porsiyento ng kaligtasan ng mga pasyente. Nguni’t kung nagmetastize na ang cancerous growth sa mga kalapit na tissues, maaari itong maging banta sa buhay ng pasyente.
    • Maagang makikita ang kanser sa suso sa pamamagitan ng sariling pagsusuri.
    • Sariling pagsusuri ng suso: Magsagawa ng sariling pagsusuri ng suso 5 hanggang 7 araw matapos ang iyong regla, kung kailan pinakamalambot ang mga suso. Kung ikaw ay buntis, nagpapadede, o menopausal, magtakda ng isang araw kada buwan at gawin iyon.
    1. A.Paano mapapabuti ang kalusugan ng iyong mga suso
      • Magsagawa ng sariling pagsusuri ng mga suso kada buwan upang tingnan ang istado ng kanilang kalusugan.
      • Kung may makapa kang bukol sa mga suso o may pagbabago sa hugis at kulay ng balat ng iyong mga suso, magpatingin sa doktor.
      • Pigilan ang kanser sa suso sa pamamagitan ng pag-iwas sa tinatawag na mga salik ng panganib.
    2. B.Mga salik ng panganib ng kanser sa suso
      • Mga nagbabagong salik ng panganib ng kanser sa suso
        • Kasaysayan ng huling pag-inom ng kotraseptibong tableta
        • Pag-inom ng alak
        • Paninigarilyo
        • Sobrang katabaan
        • Matinding radiation sa dibdib
      • Hindi mababagong mga salik ng panganib ng kanser sa suso
        • Kasaysayan ng kanser sa suso, atbp.
        • Kasaysayan ng pagreregla
        • Genetics
        • Kasaysayan ng pagbubuntis/pagpapadede
        • Matataas na aantas ng estrogen/testosterone
    3. C.Sariling pagsusuri ng suso/manwal na pagkapa
      • Mga gamit na kailangan mong ihanda: buong-habang nakatayong salamin, kama, unan, gown
      • Gawin ang sumusunod: inspeksyong biswal→ manwal na pagkapa → pagpiga ng mga utong.
      • Magsagawa ng inspeksyong biswal at saka manwal na pagkapa, ipatong ang iyong mga daliri sa iyong suso at diinan na parang gumuguhit ng bilog upang matingnan kung may kakaibang bukol.
      • Kapag nagsasagawa ng manwal na pagkapa ng mga suso, mas mabuting mahiga ka dahil kakalat nang pantay ang breast tissues sa buong suso.
      • Tingnan kung may nakakapa kang kakaibang bukol sa mga suso. Maaari kang magsagawa ng manwal na pagkapa, gamit ang mga binasa/sinabunang daliri, habang nakatayo sa shower.
      • Sa wakas, pigain ang iyong mga utong upang tingnan kung may likidong umaagos.
      Paano magsuri nang sarili ng suso/manwal na pagkapa
      Sariling pagsusuri ng suso nang nakatayo
      1. 1Itaas ang iyong braso at mangapa, simula sa bahaging nasa baba mismo ng kili-kili hanggang sa ibabang dulo ng suso.
      2. 2Iangat ang ibabang dulo ng isang suso gamit ang isang kamay at kapain gamit ang kabilang kamay.
      3. 3Gawin din sa kabilang suso.
      Sariling pagsusuri ng suso nang nakahiga
      1. 1Humiga nang nakataas ang braso. Maglagay ng unan o sapin sa ilalim ng balikat. Pagkatapos, magsimulang mangapa mula sa bahaging nasa baba mismo ng kili-kili hanggang sa ibabang dulo ng suso.
      2. 2Gawin din sa kabilang suso.
      Pagtingin kung may lumalabas na likido sa iyong mga utong kapag pinipiga ang mga ito
      1. 1Gamitin ang hinlalaki at hintuturo upang pigain ang utong at tingnan kung may lumalabas na likido.
      2. 2Gawin din sa kabilang suso.
  4. 4Bakuna kontra HPV upang mapigilan ang kanser na servikal
    • Tumutukoy ang kanser na servikal sa malignant tumor na nabubuo sa cervix, na siyang pasukan sa matris.
    • Matatagpuan ang kanser na servikal sa mahigit 3,000 kababaihan kada taon sa Korea, at mahigit 900 kababaihan ang namamatay dito kada taon.
    • Ang pangunahing sanhi ng kanser na servikal ay impeksyon ng Human Papilloma Virus (HPV) na kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Matatagpuan ang mga uring mataas na panganib ng HPV sa 99 na porsiyento ng pasyenteng may kanser na servikal. Epektibong mapipigilan ang kanser na servikal sa pamamagitan ng Bakunang kontra HPV.
    • Mapapanatili ng mga matatanda ang kanilang kaligtasan sa sakit kapag may tatlong bakuna, nguni’t nagpapakita ang mga batang mas bata sa edad na 12 ng mataas na antas ng kaligtasan sa sakit kahit may dalawang bakuna lamang. Lalo na, nagbibigay ng pinakamagaling na epektong makukuha sa pagpigil ng kanser na servikal ang dalawang bakuna bago ang unang pakikipagtalik.
    • Sa Korea pati na rin sa karamihan sa ibang mga bansa, naghahandog ang Istado ng libreng bakunang pampigil para sa mga babaeng mas bata sa edad 12.
    • Makikit mo ang mga detalye ng nilalaman ng libreng handog na bakuna kontra HPV ng Istado sa pook-sapot ng Ahensiya ng Pagkontrol at Pagpigil ng mga Sakit (Korea Disease Control at Prevention Agency o KDCA) (https://www.kdca.go.kr/gallery.es?mid=a20503010000&bid=0002&list_no=145640&act=view)
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”