01Kailangan ko ng tulong pangkagipitan (tulong at suportang pangkagipitan)
Ang tulong at suportang pangkagipitang inihahandog ng pamahalaan ang huling panlipunang lambat pangkaligtasan (social safety net o SSN) na maaasahan ng mga taong mababa ang kita upang hindi malagay sa antas ng kahirapan kapag nahihirapan silang pagkasyahin kung anong mayroon sila dahil sa krisis na nakasaad sa batas. Naghahandog ang pamahalaan ng tulong at suporta sa mga taong mababa ang kita at nahihirapan dahil sa krisis sa batayang may kaunahan at tinatasa ang kasapatan ng hakbang na isinagawa sa pamamagitan ng pagsasagawang-kasunod na pagsisiyasat.
(1)Sino ang karapat-dapat sa tulong at suportang inihahandog ng pamahalaan?
Kung nais mong makatanggap ng tulong at suportang pangkagipitan, dapat mong matugunan ang mga pangangailangang nakasaad sa batas kabilang ① ang dahilan ng krisis at ② istado ng iyong kita at ari-arian, atbp.
- Ang tulong at suportang pangkagipitan ay isang hakbang na pansamantalang inihahandog sa mga nahihirapan dahil sa biglaang krisis, kaya hindi maaaring mag-aplay para dito iyong mga nakakatanggap na ng tulong at suportang tulad ng sustento sa pamumuhay, benepisyo para sa kawalan ng trabaho, atbp. sa ilalim ng ibang batas.
- Kahit hindi ka Koreano, karapat-dapat ka sa tulong at suportang pangkagipitan kung nabibilang ka sa alinman sa mga sumusunod: ① kasal sa isang Koreano, ② nag-aalaga ng angkang inapo/ninunong Koreano bilang isang taong nakipagdiborsiyo sa isang Koreano o namatayan ng Koreanong asawa, ③ isang takas na nakasaad sa Batas sa mga Takas, o ④ naperhuwisyo dahil sa sunog, krimen, o gawa ng Diyos o mga dahilang maliban doon sa mga maiuugnay sa kanya.
- 1Mga dahilan ng krisis na nakasaad sa Batas sa Tulong at Suportang Pangkagipitan
- Kung nawalan ang pangunahing kumikita sa sambahayan ng pangunahing pinagkukunan ng kita dahil namatay, naglayas, nawawala, o hawak sa isang pasilidad ng detensyon, o iba pang mga dahilan;
- Kung ang isang tao ay may malubhang karamdaman o pinsala;
- Kung ang isang tao ay inabandona, iniwan, o inabuso ng kasama niya sa sambahayan;
- Kung nahihirapang makisama ang isang tao sa iba pa niyang kasama sa sambahayan dahil nakararanas siya ng karahasan sa tahanan o pang-aabusong sekswal mula sa isang kasama niya sa sambahayan;
- Kung nahihirapan ang isang taong manirahan sa isang bahay o gusali kung saan siya dating nakatira dahil sa sunog, likas na sakuna, o iba pang sanhi;
- Kung nahihirapan ang pangunahing kumikita o ang pangalawang kumikita na patakbuhin ang kanyang negosyo dahil sa pansamantala o permanenteng pagsasara ng negosyo, sunog sa lugar ng negosyo, o iba pang mga dahilan;
- Kung nawalan ang pangunahing kumikita o pangalawang kumikita ng pangunahing pinagkukunan ng kita matapos matanggal sa trabaho;
- Kung mangyari ang sanhi o kaganapang tinukoy ng ordinansa ng bawat pamahalaang lokal alinsunod sa Ordinansa ng Kagawarang-bansa ng Kalusugan at Kagalingan;
- Bukod pa rito, kapag nangyari ang iba pang kadahilanang dinetermina at inanunsiyo ng Kagawad-bansa ng Kalusugan at Kagalingan: ① Diborsyo mula sa pangunahing kumikita; ② Naputulan ng mga pampublikong palingkurang-bayan, ③ Nahihirapang makapaghanapbuhay dahil sa kriminal na rekord pagkalaya sa kulungan; ④ Naging palaboy dahil sa pagpapabaya o pag-iwan ng pamilya o nahihirapang maghanapbuhay, atbp.; ⑤ Saklaw ng pagtuklas ng mga di-kitang lugar, pinagsama-samang pamamahala ng kaso, o grupong mataas ang panganib ng pagpapakamatay at inirekomenda ng nauukol na kagawaran (ahensiya) bilang nahihirapan sa kabuhayan; ⑥ Lilipat ng tirahan dahil nahihirapang tumira sa bahay o gusali kung saan may nangyaring krimen.
- 2Pagiging karapat-dapat batay sa kita at ari-arian
- (Kita) Isang sambahayan na ang kita ay 75% o mas mababa sa pamantayang panggitnang kita.
기준 중위소득 가구규모에 따른 소득과 재산 기준: 가구규모, 1인~7인을 포함한 표입니다. | Bilang ng mga miyembro ng sambahayan | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 |
| Yunit: won/buwan | 1,671,334 | 2,761,957 | 3,535,992 | 4,297,434 | 5,021,801 | 5,713,777 |
- Para sa mga sambahayang may 7 tao man lamang, magdadagdag ng KRW 672,468 para sa bawat karagdagang tao.
- 3Mga pamantayan ng pag-aari
- (Kabuuang halaga ng mga ari-arian)
2022년 일반재산 합계액 인상 효과 : 지역, 대도시, 중소도시 및 농어촌을 포함한 표입니다. | Rehiyon | malaking lungsod | maliit at katamtamang-laking lungsod | pambukid na lugar |
| Pamantayang halaga (KRW 10,000) (kapag inaaplay ang hangganan ng pagbabawas sa tirahang pag-aari) | 24,100 (~31,000) | 15,200 (~19,400) | 13,000 (~16,500) |
- Ano ang hangganan ng pagbabawas sa tirahang pag-aari? : Sa kaso ng isang tirahang pag-aaring mahirap ibenta kapalit ng salapi sa mga tirahang pag-aari sa pangalan ng taong may kinalaman o kapamilyang kabahay, pinapayagan ang pagbabawas sa loob ng hangganan ng pagbabawas sa tirahang pag-aari bilang karagdagan sa pamantayang halaga.
- (Mga ari-ariang pinansiyal) Mas mababa sa halaga ng mga ari-ariang pinansiyal kada miyembro ng sambahayan
공제 수준 상향 효과(4인가구 기준) : 금융재산기준액, 생활준비금 공제액 및 조회결과 금융재산 총액을 포함한 표입니다. | Bilang ng mga miyembro ng sambahayan | 1 tao | 2 tao | 3 tao | 4 na tao | 5 tao | 6 na tao |
| Halaga ng ari-ariang pinansiyal | 8,228 | 9,682 | 10,714 | 11,729 | 12,695 | 13,618 |
| Halaga ng ari-ariang pinansiyal (pabahay) | 10,228 | 11,682 | 12,714 | 13,729 | 14,695 | 15,618 |
- Para sa mga sambahayang may 7 tao man lamang, magdadagdag ng KRW 896,000 para sa bawat karagdagang tao.
(2)Anong tulong at suporta ang matatanggap ko?
Pangkabuhayang tulong at suporta
생계지원 금액 : 가구구성원 수에 따른 지원금액을 나타낸 표입니다. | Bilang ng kasama sa sambahayan | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 |
| Halaga ng tulong at suporta | 713,100 | 1,178,400 | 1,508,600 | 1,833,500 | 2,142,600 | 2,437,800 |
- Para sa mga sambahayang may 7 tao man lamang, magbabayad ng karagdagang KRW 286,900 para sa bawat karagdagang tao.
- Hangganan ng tulong at suportang medikal :
- 3 milyong won
Hangganan ng tulong at suportang pamahayan
생계지원 금액 : 가구구성원 수에 따른 지원금액을 나타낸 표입니다. | Bilang ng kasama sa sambahayan | 1 ~ 2 | 3 ~ 4 | 5 ~ 6 |
| Malaking lungsod | 387,200 | 643,200 | 848,600 |
| Maliit o katamtamang-laking lungsod | 290,300 | 422,900 | 557,400 |
| Kanayunang pook | 183,400 | 243,200 | 320,300 |
Mga hangganan sa tulong at suporta para sa paggamit ng mga panlipunang kagalingang pasilidad
사회복지시설의 이용지원 한도액 : 입소자 수에 따른 지원금액을 나타낸 표입니다. | Bilang ng taong pinapatuloy | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 |
| Halaga ng tulong at suporta | 535,900 | 914,200 | 1,182,900 | 1,450,500 | 1,719,200 | 1,987,700 |
Halaga ng tulong at suportang kaugnay ng edukasyon sa paaralan
교육지원 금액 : 구분, 초등학생, 중학생, 고등학색에 따른 지원금액을 나타낸 표입니다. | Kategorya | Hinggil sa mga mag-aaral ng mababang paaralan | Mga mag-aaral ng gitnang paaralan | Mga mag-aaral ng mataas na paaralan |
| Halaga ng tulong at suporta | 124,100 | 174,700 | 207,700 won kabilang ang matrikula/bayad sa pagpasok |
Halaga ng iba pang tulong at suporta
그 밖의 지원 금액 : 지원종류, 연료비, 해산비, 장제비에 따른 지원금액을 나타낸 표입니다. | Uri ng tulong at suporta | Gastusin sa gasolina | Gastusin sa panganganak | Gastusing kaugnay ng libing/seremonyang pangsakripisyo | Kuryente |
| Halaga | 150,000 | 700,000 | 800,000 | 500,000 o mas mababa |
(3)Ano ang dapat gawin upang makatanggap ng tulong at suporta ?
- Kung mayroon kang paghihirap sa kabuhayan dahil sa krisis na kaanib ng kawalan ng trabaho, (pansamantalang) pagsasara ng negosyo, sakit o pinsala, atbp., maaari kang humingi ng konsultasyon sa pangkabuhayang tulong at suportang pangkagipitang kagalingan at mag-aplay para dito sa pamamagitan ng administratibong sentro ng kagalingan o sentro ng pagpapayo sa kalusugan/kagalingan sa si/gun/gu/eup/myeon/dong (☎129).
- Para sa sustento sa paggarantiya ng batayang kabuhayan, maaari kang mag-aplay tulad ng sumusunod: ① Magsagawa ng serbisyong aplikasyon online sa Bahay-pahina (www.bokjiro.go.kr) → Mga taong mababa ang kita → Sustento sa kabuhayan, Sustento sa pamahayan, Sustento sa edukasyon sa paaralan, Sustentong kaugnay ng libing/seremonyang pangsakripisyo; ② tumawag sa sentro ng pagpapayo sa kalusugan/kagalingan (☎129); o ③ bisitahin ang opisyal na namumuno sa administratibong sentro ng kagalingan.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”