Guidebook for Living in Korea

Aplikasyon para sa kinakailangang segurong pangkalusugan ng mga dayuhan

  • Home
  • Life plus
  • Aplikasyon para sa kinakailangang segurong pangkalusugan ng mga dayuhan

Aplikasyon para sa kinakailangang segurong pangkalusugan ng mga dayuhan

01Balangkas ng sistemang suskrisyong ipso facto ng mga hindi Koreano sa Segurong Pangkalusugan

Ang Segurong Pangkalusugan ay bahagi ng sistemang panlipunang seguridad na inayos upang maibsan ang pasanin ng mga tao pagdating sa pagpapagamot. Dapat magbayad ang nakaseguro ng bayad sa seguro kada buwan, at makakatanggap siya ng benepisyong seguro kapag kailangan.
Simula Hulyo 2019, dapat magsuskrito sa Segurong Pangkalusugan at Segurong Pangmatagalang Pangangalaga ang lahat ng hindi Koreanong naninirahan sa bansang ito sa loob ng mahigit anim na buwan bilang mga rehistradong dayuhan.

(1)Sino ang mga saklaw ng Segurong Pangkalusugan?

Buod

① Maaaring magsuskrito sa Segurong Pangkalusugan (bilang empleyadong nakaseguro) ang sinumang nagtatrabaho bilang empleyadong rehistrado bilang dayuhang naninirahan sa Korea sa pamamagitan ng hiwalay na aplikasyon. Ganoon din naman para sa umaasa sa empleyadong nakaseguro para sa pamumuhay (bilang sustentado). ② Maaaring magsuskrito ang sinumang hindi kabilang sa kategoryang nakasaad sa ① sa itaas matapos manirahan sa bansang ito sa loob ng anim na buwan. (Maaaring magsuskrito iyong mga may istadong pansamantalang paninirahan pagkarating sa bansang ito.) ③ Walang pagkakaiba sa halaga ng bayad sa Segurong Pangkalusugang babayaran ng mga hindi Koreano at mga Koreano. Maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa halagang binabayaran ng mga hindi Koreano depende sa istado ng pansamantalang paninirahan. ④ Hahantong sa kasahulan sa nakaseguro ang anumang pagkaantala ng buwanang pagbabayad ng bayad sa Segurong Pangkalusugan. Magagamit mo ang isa sa mga sumusunod para sa pagbabayad ng bayad: awtomatikong paglilipat, virtual account, sa bangko, elektronikong paraan, sa isang sangay ng NHIC (gamit ang credit card), lagusan ng pangongolekta ng bayad, atbp.

  1. 1Nahahati ang mga nakasuskrito sa Segurong Pangkalusugan sa empleyadong nakaseguro, kanilang mga sustentado, at nakasegurong nagtatrabaho para sa sarili. Nag-iiba ang pamantayan batay sa kanilang mga uri ng suskrisyon.
    • Maaaring magsuskrito sa Segurong Pangkalusugan ang sinumang nagtatrabaho para sa isang amo bilang empleyadong nakaseguro. Maaari ring magsuskrito bilang mga sustentado iyong mga umaasa sa empleyadong nakaseguro para sa pamumuhay.
    • Maaaring magsuskrito bilang nakasegurong nagtatrabaho para sa sarili ang sinumang natutugunan ang mga kinakailangan para sa suskrisyon sa Segurong Pangkalusugan nguni’t hindi nabibilang sa kategorya ng empleyadong nakaseguro o sustentado. Gayunpaman, hindi karapat-dapat sa suskrisyon sa Segurong Pangkalusugan ang mga nakasaad sa sumusunod: Istado ng pansamantalang paninirahang “A” (Diplomatiko), “B” (Turista), C (“Panandaliang pagbisita”) o G-1 (Sari-sari). Karapat-dapat ang mga nakasaad sa sumusunod: “G-1-6” (Istadong Makatao) at “G-1-12” (Kanilang pamilya). Maaaring magsuskrito bilang “pamilya” ang asawa at mga anak na mas bata sa edad na 19 at nakatira kasama ng nakaseguro sa pamamagitan ng hiwalay na aplikasyon.
  2. 2Iba’t ibang paraan ng suskrisyon para sa iba’t ibang uri ng Segurong Pangkalusugan
    • Maaaring magsuskrito ang mga dayuhang nakasaad sa sumusunod bilang nakasegurong nagtatrabaho para sa sarili pagkarating sa bansang ito: Mga mag-aaral (D-2), Mga nasa elementarya/sekondaryang paaralan (D-4-3), Trabahong di-propesyonal (E-9), Permanenteng residente (F-5), Kasal sa isang Mamamayang Koreano (F-6). Dapat maghintay ang mga dayuhang nakasaad sa itaas bilang mga may istadong pansamantalang paninirahan ng anim na buwan pagkarating sa bansang ito upang magsuskrito.
    • Maaaring magparehistro ang mga empleyadong tagasuskrito mula sa araw na nakuha sila bilang mga manggagawa, mga lingkod sibil, pakultad, o mga tagapag-empleyo sa naaakmang lugar ng trabaho matapos magparehistro bilang dayuhang residente.
    • Nagbago na ang mga kinakailangan sa mga sustentado simula Abril 2024. Dapat maghintay ang mga banyagang mamamayan at mga Koreanong taga-ibang bansa na pumasok sa bansa simula Abril 3, 2024 ng anim na buwan upang magparehistro pagkarating, gaya ng mga lokal na tagasuskrito. Gayunpaman, kung naaakma ang alinman sa mga sumusunod, makakapagparehistro ka kaagad pagkarating.
      • Asawa at mga anak na mas bata sa 19 na taong gulang
      • Kung ang dahilan ng paninirahan ay pag-aaral sa ibang bansa (D-2), pangkalahatang pagsasanay ng mag-aaral ng mababa, gitna, at mataas na paaralan (D-4-3), trabahong di-propesyonal (E-9), permanenteng paninirahan (F-5), o pandarayuhang dahil sa pag-aasawa (F-6)
    • Karapat-dapat na ipso facto sa suskrisyon ang nakasegurong nagtatrabaho para sa sarili na natutugunan ang mga nauukol na kinakailangan, at dapat magsuskrito ang kanilang amo para sa kanila. Ang empleyadong nakaseguro ang dapat mag-aplay para sa suskrisyon para sa kanyang mga sustentado.
    • Maaaring mag-aplay para sa “kataliwasan sa suskrisyon sa Segurong Pangkalusugan sa bansang ito” iyong mga sakop ng medikal na seguridad gaya ng inihahandog ng NHIC na mga benepisyong pangangalagang medikal sa ilalim ng batas o pag-aayos ng seguro ng isang banyagang bansa o sa pamamagitan ng kontrata sa amo.
  3. 3May iba’t ibang paraan ng pagkalkula ng bayad sa Segurong Pangkalusugan para sa empleyadong nakaseguro at nakasegurong nagtatrabaho para sa sarili.
    • Kinakalkula ang halaga ng bayad sa Segurong Pangkalusugan para sa empleyadong nakaseguro batay sa kanyang buwanang suweldo. Magbabayad ang bawat isa sa empleyado at amo ng 3.495% ng halaga ng buwanang bayad sa Segurong Pangkalusugan at 6.135% para sa bayad sa Segurong Pangmatagalang Pangangalaga.
    • Kinakalkula ang halaga ng bayad sa Segurong Pangkalusugan para sa nakasegurong nagtatrabaho para sa sarili para sa bawat sambahayan na isinasaalang-alang ang kanilang kita, ari-arian, at uri ng sasakyang pagmamay-ari. Kapag mas mababa ang halaga ng bayad sa seguro ng sambahayan kaysa sa halaga ng panggitnang bayad sa seguro, ang halaga ng panggitnang bayad sa seguro ang ginagamit (i.e., halaga ng panggitnang bayad sa Segurong Pangkalusugan: 124,770 won/ halaga ng bayad sa Segurong Pangmatagalang Pangangalaga: 15,300 won batay sa 2022).
    • Para sa mga may istado ng pansamantalang paninirahang F-5 (Permanenteng residente) at F-6 (Kasal sa isang Mamamayang Koreano), ang pinakamababang halaga ng bayad sa seguro ang ginagamit tulad ng sa kaso ng mga Koreano.
  4. 4Paano bayaran ang buwanang bayad sa seguro?
    • Dapat bayaran nang maaga ang halaga ng bayad sa seguro para sa susunod na buwan sa ika-25 ng bawat buwan (o sa ika-10 ng nauukol na buwan para sa may mga istado ng pansamantalang paninirahang F-5 (Permanenteng residente) at F-6 (Kasal sa isang Mamamayang Koreano). Magagamit mo ang isa sa mga sumusunod para sa pagbabayad ng bayad: awtomatikong paglilipat, virtual account, sa bangko, elektronikong paraan, sa isang sangay ng NHIC (gamit ang credit card), lagusan ng pangongolekta ng bayad, atbp.
    • Hahantong sa kasahulan sa nakaseguro ang anumang pagkaantala ng buwanang pagbabayad ng bayad sa seguro tulad ng hindi paghahandog ng benepisyong Segurong Pangkalusugan o mga paghihigpit kaugnay ng istado ng pansamantalang paninirahan.

(2)Mga serbisyong inihahandog?

Buod

Sa pamamagitan ng suskrisyon sa Segurong Pangkalusugan, makakatanggap ka ng mga serbisyong tulad ng pagpigil/pagsusuri, paggamot ng mga sakit/mga pinsala, at mga serbisyong rehabilitasyon; mga benepisyong pangangalagang medikal/health checkup sa panahon ng panganganak, kamatayan, atbp. (serbisyong in-kind)

  • Kapag gumagamit ng ospital/klinika,* kailangan mo lamang magbayad ng 30~60% ng mga gastusing medikal (para sa palabas na pasyente) o 20% (para sa pasyenteng kailangang manatili sa ospital). Nag-iiba-iba ang bahagi ng gastusing medikal na kailangan mong bayaran bilang nakaseguro depende sa uri ng mga institusyong medikal at kanilang mga lokasyon.
    • Hindi sakop ng Segurong Pangkalusugan ang paggamot ng mga sakit na hindi nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng operasyong pampaganda at iba pa.
  • Binabayaran nang buo ng NHIC ang gastos para sa ordinaryong health checkup, na ginagawa bawat ibang taon (ginagawa ng mga ipinanganak sa taong nagtatapos sa bilang na gansal sa taong nagtatapos sa bilang na gansal / ginagawa ng mga ipinanganak sa taong nagtatapos sa bilang na tukol sa taong nagtatapos sa bilang na tukol).
  • Kapag gumagamit ng ospital/klinika, kailangan mong ipakita ang iyong Sertipiko ng Segurong Pangkalusugan o tarheta ng pagpaparehistro bilang dayuhan. Magagamit mo ang serbisyong in-kind na inihahandog ng NHIC nang walang hiwalay na aplikasyon.

(3)Kailangan mo pa ba ng mas detalyadong impormasyon?

  1. 1Mangyaring bumisita nang personal sa NHIC o sa mga sumusunod:
    • Sentro ng NHIS ng Seoul para sa mga Dayuhang Residente para sa mga nasa Seoul o punong-lungsod na lugar; Lokal na namamahalang tanggapan para sa mga nasa ibang mga rehiyon
    사회복지시설의 이용지원 한도액 : 입소자 수에 따른 지원금액을 나타낸 표입니다.
    Pangalan ng sentro Sakop
    Sentro ng Serbisyong Pangdayuhan ng NHIC Seoul Buong lugar ng Seoul
    Sentro ng Serbisyong Pangdayuhan ng NHIC Ansan Ansan, Siheung, at Gunpo
    Sentro ng Serbisyong Pangdayuhan ng NHIC Suwon Suwon, Yongin, Hwaseong, Osan, at Seongnam
    Sentro ng Serbisyong Pangdayuhan ng NHIC Incheon Incheon, Bucheon, Gimpo, at Gwangmyeong
    Sentro ng Serbisyong Pangdayuhan ng NHIC Euijeongbu Euijeongbu, Namyangju, Gapyeong, Pocheon, Dongducheon, Yeoncheon, Yangju, Guri, Goyang, at Paju
  2. 2Bahay-pahina ng NHIC (nhis.or.kr)
    • Maaari mong tingnan ang halaga ng bayad sa segurong kailangan mong bayaran sa pamamagitan ng pagclick sa “katanungan/pagbabayad kaugnay ng bayad sa seguro” sa sentro ng serbisyong cyber ng NHIC.
Maaaring gamitin ang likhang ito ayon sa kondisyong “KOGL (Bukas na Pampamahalaang Lisensya ng Korea o Korea Open Government License) Ika-apat na Uri: Pagsasaad ng Pinagmulan+Pagbabawal sa Komersiyal na Paggamit+Pagbabawal sa Pagbabago.”