Isa itong institusyon ng edukasyon at pangangalaga sa bata na nagpapatakbo sa ilalim ng Batas sa Pangangalaga ng Bata para sa pangangalaga ng mga sanggol at batang paslit. May pahintulot ito mula sa alkalde ng lungsod, gobernador ng probinsya, o pinuno ng isang gu.
Ang mga Childcare Center ay nag-aalaga sa mga batang pre-school na may edad pito pababa. Gayunpaman, kung kinakailangan (tulad ng para sa integrasyon ng kapansanan o edukasyon pagkatapos ng klase), maaaring magbigay ng pangangalaga sa bata hanggang edad 12.
Sa totoo lamang, pinapatakbo ang sentro ng pag-aalaga ng bata sa loob ng 12 oras tuwing Lunes hanggang Biyernes (07:30~19:30) at sa loob ng 8 oras tuwing Sabado (07:30~15:30). Gayunpaman, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng mga oras ng trabaho ng pangunahing tagapangalaga at pagkakuha ng paunang pahintulot mula sa tagapangalaga, maaaring isaayos ang pagpapatakbo ng bawat sentro ng pag-aalaga ng bata. (pagpapatakbo ng panggabing pinalawig na pang-araw na pag-aalaga ng bata at pangbakasyong pag-aalaga ng bata).
Inuuri ang mga oras ng pagpapatakbo ng sentro ng pag-aalaga ng bata sa pangunahing pag-aalaga (9am~4pm) na naaakma sa lahat ng mga sanggol at mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan at karagdagang pag-aalaga (4pm~7:30pm) na naaakma sa mga sanggol at mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan na nangangailangan ng karagdagang pag-aalaga. Para sa pinalawig na oras ng pag-aalaga, nagtatalaga ng mga karagdagang guro.
Ang bawat sentro ng pag-aalaga ng bata ay mayroong patakaran sa pagpapatakbo o pilosopiya sa pag-aalaga. Lalo na, maaaring magkaroon ng napakalaking impluwensiya sa sentro ang patakaran sa pagpapatakbo, pilosopiya sa pag-aalaga at ugali ng tagapamahala ng sentro ng pag-aalaga ng bata, na siyang namumuno sa sentro, kaya mangyaring tingnan ang ganitong mga aspeto nang maaga sa pamamagitan ng bahay-pahina ng sentro o sa pamamagitan ng pagpapayo mula sa tagapamahala.
sa mga layunin at nilalaman ng unibersal at karaniwang pangangalaga ng bata na ibinibigay sa pambansang antas para sa mga sanggol at batang paslit na may edad zero hanggang lima sa mga childcare center. Binubuo ito ng kurikulum ng pangangalaga sa bata para sa mga edad na zero hanggang isa, dalawa, at tatlo hanggang lima (Kurikulum ng Nuri).
Ang panumbasan ng mga guro kontra mga sanggol at mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan ang pinakapangunahing kondisyong pangkapaligirang kinakailangan para makilala ng guro ang mga indibiduwal na katangian ng mga bata at maghandog ng wastong pag-aalaga. Ang mga kasalukuyang legal na panumbasan ng mga guro kontra mga sanggol at mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan na ipinabatid ng pamahalaan ay ang sumusunod:
| Edad | 0 | 1 | 2 | 3 | 4 o mas matanda pa |
|---|---|---|---|---|---|
| Pamantayan ng pagtatalaga | 1:3 | 1:5 | 1:7 | 1:15 | 1:20 |
Malamang na malantad sa mga aksidenteng pangkaligtasan ang mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan na aktibong lumalahok sa pagtuklas dahil sa mataas na pagkamausisa at mayroon silang mababang resistensya sa mga sakit, kaya dapat suriing maigi ang kaligtasan at kalinisan ng mga panloob at panlabas na pasilidad ng mga sentro ng pag-aalaga ng bata.
Dapata patakbuhin ang pang-araw-araw na palatuntunan nang angkop sa pang-araw-araw na huwaran ng buhay ng mga bata, kaya dapat binubuo ang palatuntunan ng sapat na oras ng paglalaro, wastong pahinga, pag-idlip, at mga panloob na gawain ayon sa pag-unlad ng mga sanggol at mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan.
Sa panahon ng kasanggulan at kabataan ng mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan, nakararanas ang mga bata ng mabilis na paglaki, kaya dapat tingnan kung naghahandog ang isang sentro ng pag-aalaga ng bata ng mga balanseng pagkain at meryenda sa aspeto ng sustansiyang kailangan para sa paglaki ng mga bata at tingnan ang mga tagatustos ng mga mahahalagang sangkap ng pagkain pati na rin bansang pinagmulan.
Kahit mahusay ang isang sentro ng pag-aalaga ng bata, kung malayo ito mula sa bahay, maaaring maging napakahirap sa mga bata ang paglalakbay papunta sa sentro ng pag-aalaga ng bata, kaya importanteng pumili ng isang sentro ng pag-aalaga ng bata na malapit sa bahay.
Maaaring mag-aplay online ang mga tagapangalagang nais gumamit ng isang sentro ng pag-aalaga ng bata nang hindi natatakdaan ng oras at lugar.
Naghahandog ang pamahalaan ng tulong-salapi para sa sentro ng pag-aalaga ng bata sa anyong voucher. Kaya naman, kung nagpasya kang papasukin ang iyong anak sa isang sentro ng pag-aalaga ng bata, dapat kang mag-aplay para sa pag-iisyu ng Tarheta ng Kaligayahan ng Mamamayan.
| Online | Offline | ||
|---|---|---|---|
| Aplikasyon para sa tulong-salapi | Kapag nag-aplay ka para sa tulong-salapi mula sa pamahalaan, makakakuha ka ng pag-apruba para sa mga bayad sa sentro ng pag-aalaga ng bata at mga bayad para sa edukasyon sa kindergarten. | Aplikasyon para sa tulong-salapi | Kapag nag-aplay ka para sa tulong-salapi mula sa pamahalaan, makakakuha ka ng pag-apruba para sa mga bayad sa sentro ng pag-aalaga ng bata at mga bayad para sa edukasyon sa kindergarten. |
| Papel para sa aplikasyon para sa tulong-salapi | Bahay-pahina ng Bokjiro(www.bokjiro.go.kr) | Papel para sa aplikasyon para sa tulong-salapi | Sentrong pangkomunidad ng eup/myeon/dong |
| Pag-iisyu ng tarheta | Piliin ang iyong paboritong kompanya ng tarheta mula sa limang kompanya ng tarheta at kumuha ng pangkreditong tarheta. (Libre ang taunang bayad sa pagiging miyembro) | Pag-iisyu ng tarheta | Piliin ang iyong paboritong kompanya ng tarheta mula sa limang kompanya ng tarheta at kumuha ng pangkreditong tarheta. (Libre ang taunang bayad sa pagiging miyembro) |
| Nag-iisyu ng tarheta | Bahay-pahina ng Bokjiro(www.bokjiro.go.kr) | Nag-iisyu ng tarheta | Sentrong pangkomunidad ng eup/myeon/dong, mga sangay ng mga pangunahing kompanya ng tarheta sa buong bansa |
| Pag-aalaga ng Bata, ang pangkalahatang lagusan ng pagbubuntis at pag-aalaga ng bata (www.childcare.go.kr) | |||
| Bahay-pahina ng limang kompanya ng pangkreditong tarheta (Tarhetang KB Kookmin, Tarhetang Shinhan, Tarhetang Lotte, Tarhetang Samsung, Tarhetang BC) | |||
Naghahandog ang oryentasyon para sa mga bagong pasok na bata ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang kondisyon at patakaran sa pagpapatakbo, mga programang pag-aalaga ng bata at patakaran ng pagpapatakbo ng bawat klase ng isang sentro ng pag-aalaga ng bata. Ito ay magandang pagkakataong makakuha ng detalyadong impormasyon, kaya lubos naming inirerekomenda ang pagdalo sa oryentasyon. Makakakuha ka ng patnubay sa mga dokumento sa pagpasok sa panahon ng oryentasyon. Karamihan sa mga dokumento ay kinakailangan ng pamahalaan, kaya dapat mong isumite ang mga ito sa tinukoy na panahon sa pamamagitan ng paghahanda ng mga ito nang maaga.
Maaaring magbago ang mga gamit sa paghahanda para sa sentro ng pag-aalaga ng bata ayon sa sentro ng pag-aalaga ng bata. Sa pangkalahatan, kailangan ang mga gamit na ito para sa buhay ng iyong anak sa isang sentro ng pag-aalaga ng bata. Kabilang sa mga ito ang makapal na kumot para sa pag-idlip, unan, sipilyo at kremang pangsipilyo, basang tisyu at iba pa. Sa kaso ng mga sanggol, maaaring mapabilang ang gatas na pulbos, bote ng gatas, at gasang tuwalya bilang mga personal na gamit.
Maaaring makaramdam ng pagkabalisa at awa para sa kanilang anak ang mga magulang na magpapasok ng kanilang anak sa isang sentro ng pag-aalaga ng bata sa unang beses, imbes na mga inaasahan. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng negatibong impluwensiya ang ganitong pag-iisip ng mga magulang sa pakikibagay ng kanilang anak, kaya kailangan nilang bumisita sa kanilang sentro ng pag-aalaga ng bata kasama ng kanilang anak at makipag-usap sa isang guro o isaayos ang kanilang buhay ayon sa oras ng sentro ng pag-aalaga ng bata upang magkaroon ng paghahandang pangkaisipan. Sa kaso ng mga pamilyang may dobleng karera, maaaring kailanganin nilang lumahok sa panahon ng pakikibagay sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanilang bakasyon pagkatapos tingnan ang panahon ng pakikibagay ng sentro ng pag-aalaga ng bata o sa pamamagitan ng mga lolo at lola na maaaring makapagbigay ng tulong.
Nag-aalok ang programang pakikibagay ng sentro ng pag-aalaga ng bata ng karanasan sa palatuntunan ng isang sentro ng pag-aalaga ng bata nang dahan-dahan sa paglipas ng panahon para sa mga batang pinapasok sa isang sentro ng pag-aalaga ng bata upang malampasan ang pagkabalisa sa isang di-pamilyar na kapaligiran at makayanang makibagay sa isang bagong kapaligiran. Papalawigin ng programang pakikibagay ang oras, simula sa “pakikilahok sa pang-umagang palatuntunan” kasama ang mga magulang at hanggang “oras ng tanghalian,” “oras ng pag-idlip” at pakikilahok sa panghapong palatuntunan.” Magsisimula ang pagwawalay sa mga magulang sa loob ng 5~10 minuto at dahan-dahang papalawigin. Papatakbuhin nang sistematiko ang prosesong ito sa loob ng isang linggo man lamang sa ilalim ng konsiderasyon ng mga magulang at mga guro at papatakbuhin nang naibabagay sa mga pangyayari ayon sa kapaligiran ng isang sentro ng pag-aalaga ng bata at sa mga indibiduwal na katangian ng mga sanggol at mga batang hindi pa pumapasok sa paaralan at kapaligiran ng bawat pamilya.
Maaaring maging napakahirap para sa bata ang karanasang maiwan mag-isa sa isang di-pamilyar na sentro ng pag-aalaga ng bata pagkatapos mawalay sa mga magulang, at maaaring ipahayag ng mga bata ang kanilang pagkabalisa sa iba’t ibang paraan. Kaya naman, dapat tanggapin ng mga magulang ang pagkabalisa ng kanilang mga anak at tulungan sila gamit ang isang naaangkop na paraan.